Pulis namaril ng isang Black American, $6.5-milyon settelement babayran ng South Carolina City

by Radyo La Verdad | October 9, 2015 (Friday) | 1285

south carolina

Makatatanggap ng $6.5 million settlement mula sa North Charleston sa South Carolina ang pamilya ng isang Black American matapos mabaril sa likuran ng isang pulis.

Ayon sa mga opisyles, isang 50-anyos na lalaki sa pangalang Walter Scott ay nabaril matapos na ‘di sumunod sa trapiko.

Ang pamamaril ay nakuhanan ng isang residente na nais magpahiwatig ng maling pagtrato ng mga pulis sa mga menor de edad.

Ayon sa pahayag ng North Charleston Mayor R. Keith Summey, natapos ang usapin sa pamamagitan ng $6.5 million settelement fee na napagbotohan ng City Council.

Ikinagagalak ni Summey na nagkaroon ng maayos na usapan sa pagitan ng pamilya ng biktima at ng siyudad.

Samantala, kasalukuyang hinaharap ng pulis na si Michael Slager ang kasong murder.

Ayon sa abogado ng biktima na si Chris Stewart, ang napagkasunduang settlement ay ang pinakamalaking pre-lawsuit settlement sa kasaysayan ng South Carolina, at isa rin sa pinakamalaki sa buong United States.

Tags: , ,