Lalaking kalalabas lamang sa kulungan, patay sa pamamaril sa Maynila

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 4483


Lumabas lang ng bahay para manood ng basketball sa Parola Compound sa Manila City si Richard Bunayon, 35 anyos, nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon sa ilang saksi na tumangging humarap sa camera, naglalakad si Richard nang lapitan ng isang lalaki at bigla na lamang itong pinagbabaril.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima. Agad namang tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo kasama ang isa pang lalaki.

Ayon sa ina ni Richard, wala itong nalalamang kaaway ng anak at nagbagong buhay na rin ito matapos makalaya noong nakaraang Abril. Isang taon umanong nakulong sa Manila City Jail si Richard dahil sa kasong may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa ng otoridad ang mga suspek at inaalam ang motibo ng pamamaril sa biktima.

(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)

Tags: , ,