Dating brgy. tanod, patay sa pamamaril sa Caloocan City kagabi

by Radyo La Verdad | August 9, 2017 (Wednesday) | 4003

Iniimbestigahan na ng Caloocan police kung ano ang motibo sa pamamaril sa isang dating barangay tanod sa Caloocan City pasado alas nuebe kagabi.

Ayon sa mga pulis natagpuan na lamang si Agusto Teleg alyas Ogie, 50 Años na duguang nakahandusay sa pintuan ng kanyang tahanan sa brgy. 176. Wala umanong nakarinig ng mga putok ng baril o anomang komosyon sa bahay ng biktima bago ang insidente.

Posible umanong kakila rin nito ang suspek dahil sa natagpuang mga basyo ng bala sa hagdan sa loob ng bahay.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, gumagamit ito ng iligal na droga at sumailalim na rin sa rehabilitation.

Hindi naman inaalis ng mga pulis ang posibilidad na may kinalaman sa iligal na droga ang krimen.

 

(Rajel Adora / UNTV Correspondent)

Tags: , ,