Proklamasyon ng kongreso sa nanalong presidente at bise-presidente tuloy na ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 18420

HOUSE
Tuloy na ngayong araw ang proklamasyon ng kongreso kina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Representative Leni Robredo bilang nanalong presidente at bise-presidente sa nakaraang halalan

Magre-reconvene para sa isang joint session ang Senado at Kamara mamayang alas dos ng hapon kung saan aaprubahan nito ang report ng National Board of Canvassers o NBOC na nagpapatunay na Duterte at Robredo ang nag wagi sa May 9 elections at pagkatapos nito ay agad na isasagawa ang proklamasyon.

Pasado alas syete ng gabi noong byernes ng matapos ng NBOC ang opisyal na pagbibilang ng mga boto para sa presidente at bise presidente.

Nakuha ng pinaka malaking boto sa presidential race si Duterte na mayroong 16,601,997 votes habang si Representative Leni Robredo naman ang nakakuha ng pinakamataas na boto sa vice presidential race na may fourteen million, four hundred eighteen thousand, eight hundred seventeen votes.

(UNTV NEWS)

Tags: ,