Sen. Antonio Trillanes IV, sinampahan ng kasong plunder si Davao City Mayor Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 12259

ANTONIO-TRILLANES
Sinampahan ng plunder charge ngayong umaga ni Senator Antonio Trillanes si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Itoy kaugnay ng umano;y pagkakaroon ng 11 thousand na ghost employees ng alkalde sa Davao City.

Ayon kay Trillanes natagpuan nila sa isang COA report na nag hire ng ghost employees si Duterte.

Paliwanag ni Trillanes, isa ito sa mga umano’y pinagmumulan ng tagong yaman ng alkalde na nagkakahalaga ng 2.4 billion pesos.

Bukod sa plunder kinasuhan rin ni Trillanes ng malversation at violation ng ethical code of conduct of government officials si Duterte.

Hiniling din ng kampo ni Trillanes sa Ombudsman na i-freeze ang mga pera ng alkade.

(Joms Malulan / UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,