Administration bet Mar Roxas, pormal nang tinanggap ang pagkatalo kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo

by Radyo La Verdad | May 10, 2016 (Tuesday) | 13263

MAR_INDORSE
Ala-una impunto nang magsimula magsalita si Secretary Mar Roxas sa LP headquarters sa Cubao, Quezon City.

Maluwag na tinanggap ni Secretary Mar ang kaniyang pagkatalo kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Aniya, base sa unofficial count ng COMELEC, malinaw na si Mayor Duterte ang magiging susunod na pangulo ng Pilipinas at hiniling nito ang tagumpay ng magiging pamumuno ni Duterte.

Sa kabila ng pasasalamat ni Roxas sa lahat ng kanyang mga tagasuporta, sa partido Liberal at sa silent majority, sinabi nito na ang laban ng kaniyang runningmate na si Congresswoman Leni Robredo ay hindi pa tapos at patuloy aniyang magbantay, manalig at masigurong mababantayan ng tama ang boto para kay Robredo.

Sa kasalukuyan base sa partial unofficial results, as of 1:38 pm si Representative Leni Robredo ay patuloy na nangunguna sa mahigpit na katunggali nito na si Senator Bongbong Marcos.

Si Robredo ay nakakuha ng botong 13,450,985. Samantalang si Marcos ay may botong 13,263,701.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,