Nakatakdang magsagawa ng malawakang kilos-protesta ang iba’t-ibang grupo sa a-bente uno ng Setyembre, kasabay ng ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.
Pinaniniwalaang dadaluhan ito ng mga myembro ng makakaliwang grupo at oposisyon na layong ipanawagang itigil na ang drug-related killings at umano’y pasismo ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, upang bigyang-daan ang malawakang kilos-protestang ito, nais niyang ideklarang holiday ang araw na yaon.
Gayunman, nagbabala naman ang punong ehekutibo na wag gawing venue ang kilos-protesta upang magsagawa ng karahasan ang mga raliyista.
Una nang nagbanta ang Pangulo na kung dadalhin sa mga lansangan ng mga komunistang grupo ang kanilang armadong pakikipaglaban ay mapipilitan siyang ideklara ang martial law sa buong bansa.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: duterte, kilos-protesta, martial law.