Pilipinas, isinailalim na sa state of public health emergency dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

by Radyo La Verdad | March 9, 2020 (Monday) | 82805

Sa bisa ng proclamation number 922, isinailalim na ng Duterte administration ang Pilipinas sa state of public health emergency. Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, dalawampu na ang kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Sa pamamagitan ng public health emergency proclamation, magkakaroon ang gobyerno ng kapangyarihang ipatupad ang mandatory reporting kaugnay ng COVID-19, paigtingin ang pagresponde ng pamahalaan para mapigil ang pagkalat ng covid-19 at paggamit ng pondo.

“The declaration of a state of public health emergency would capacitate government agencies and lgus to immediately act to prevent loss of life, utilize appropriate resources to implement urgent and critical measures to contain or prevent the spread of covid-19, mitigate its effects and impacts to the community, and enforce quarantine and disease control prevention measures,” ani Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel.

Hinihinkayat naman ang lahat ng ahensya at lokal na pamahalaan na makipagtulungan kaugnay nito gayundin ang publiko, kabilang na ang mga turista at mga negosyante ay ini-encourage na sumunod sa mga direktiba ng pamahalaan para maiwasan ang transmission ng COVID-19.

Samantala, nanawagan naman ang palasyo sa lahat ng media outlets na iparating sa publiko ang lahat ng anunsyo na inilalabas ng Department of Health kaugnay ng COVID-19.


“May we request, urge all media outlets to kindly publish all the statements made by sec. duque and all bulletins issued by it so our countrymen will know how to react on the present crisis,” dagdag pa ni ani Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel.


Upang matiyak naman ang seguridad sa kalusugan ni Pangulong Duterte, no touch policy ang ipatutupad ng Presidential Security Group sa mga public event nito.

Lahat din ng personalidad na inaasahang lalapit sa Pangulo lalo na tuwing may meeting at events ito ay dadaan sa masinsinang screening kabilang na ang mga PSG personnel, mga pulitiko at iba pang dignitaries.

Posible ring kanselahin ang large crowd gatherings na nakatakdang daluhan ng Presidente kung hindi papasa sa assessment ng PSG.

(Rosalie Coz)

Tags: , ,