DOH Sec. Duque, inako ang responsibilidad sa pagkaantala ng ayuda ng mga health workers

by Radyo La Verdad | June 5, 2020 (Friday) | 90163

METRO MANILA – Sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte kaninang umaga, sinisi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang kanyang mga subordinates ang kapalpakan  kung bakit nagkaroon ng delay ang pag- release ng karampatang ayuda sa mga healthcare worker na tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Secretary Duque, hindi katanggap-tanggap ang nangyaring pagkaantala ng benepisyo.

“Nakakahiya talaga, Sir, namatayan na nga, nagpawardy-wardy yung mga tao ko na parang walang sense of urgency. Ang sama-sama po ng loob ko Mr. President,” ani Sec. Francisco Duque III, DOH.

Ipinahayag nito kay Pangulong Duterte na inatasan niya ang ang kanyang tauhan na huwag umuwi hangga’t hindi natatanggap ng mga benepisyaryo ang kompensasyon.

Iyan ang tweet ni Duque ngayong tanghali, June 5, 2020, inako ng kalihim ang responsibilidad sa kapalpakan ng kagawaran.

Binigyang diin ni Pangulong Duterte na matagal aniya ang dalawang buwan para matengga ang ayuda para sa mga beneficiaries, isang bagay na dapat inaksyunan agad ng DOH.

Sa ngayon ay nailabas na ang joint administrative order para ipatupad ang probisyon ng bayanihan law kung saan bibigyan ng P100,000.00 benefit ang mga health workers na mayroong severe case ng COVID-19 habang isang milyon naman ang ibibigay sa mga nasawi na mula sa sakit.

“The joint administrative order to guide the distribution of 1 million to each of the 32 families na namatayan, 32 po sila na namatayan Noong June 2,” ayon pa kay Sec. Francisco Duque III, DOH.

Una ng binigyan ni Pangulong Duterte ng hanggang Martes, June 9, 2020, ang DOH para ipamahagi ang pinansyal na ayuda para sa mga health workers na tinamaan ng COVID-19 o namatay dahil sa nasabing sakit.

(Aiko Miguel)

Tags: , , ,