Pagiisahin ngayong taon ang North Luzon Expressway at Subic Clark Tarlac Expressway.
Tatanggalin na ang Dau toll plaza at Mabalacat toll plaza. Ibig sabihin dalawa na lang ang toll na dadaanan ng mga motorista na babyahe sa NLEX at SCTEX.
Sa ngayon ay kinakailangang dumaan sa apat na toll kapag papunta ng La Paz Tarlac, limang toll naman kapag sa Subic.
Subalit ayon sa Manila North Tollways Corporation, sa Marso ay mas mapapabilis na ang byahe dahil hindi na kinakailangang dumaan sa maraming toll kapag pupunta ng Tarlac at Subic.
Sa ngayon ay tinatapos na ang limang bagong toll plazas sa Sta Ines, Mabiga Mabalacat, Dau at sa La Paz Tarlac kung saan eksaktong makakapasok at makakalabas sa SCTEX ang mga motorista.
Ina-upgrade na rin ang toll collection sa SCTEX gaya ng sa NLEX ng sa ganon ay magamit din dito ang easytrip tag.
Kung susumahin ay kaparehas lang sa kasalukuyang gastos sa toll ang singil sa toll sa darating na Marso.
(Macky Libradilla / UNTV Radio Reporter)
Tags: ngayong taon, NLEX, SCTEX