Pagtataas ng toll fee sa NLEX, mag-uumpisa na sa June 4

by Radyo La Verdad | May 30, 2024 (Thursday) | 475

METRO MANILA – Mag-uumpisa na sa June 4 ang second tranche ng pagtataas ng singil sa toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, ang mga motorista na bumibyahe sa expressway ay magdadagdag ng P5 para sa Class 1 o mga regular na sasakyan at SUV, P14 naman para sa Class 2 o mga bus at maliliit na trak at P17 para sa Class 3 o malalaking trak.

Tags: ,