Traffic management measures sa NLEX, pinaigting na

by Radyo La Verdad | December 20, 2022 (Tuesday) | 5342

Pinaigting na ng North Luzon Expressway (NLEX) ang kanilang traffic management measures para sa inaasahang pagdami ng mga sasakyan ngayong long holidays.

Mula December 23 hanggang January 3, 2023, paiigtingin ng NLEX ang kanilang operasyon maging sa Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) para tulungan ang mga motorista.

Mahigpit na babantayan ng management teams ang Balintawak, Mindanao, Karuhatan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Sta. Rita, Pulilan, San Simon, San Fernando, Clark South, Tarlac, Tipo at Subic Freeport Expressway.

Inaasahan ang mataas na volume ng mga sasakyan sa mga naturang lugar.

Sherwin Culubong | UNTV News

Tags: ,