Dagdag toll sa SCTEX, ipatutupad simula October 17

by Radyo La Verdad | October 16, 2023 (Monday) | 1038

METRO MANILA – Magpapatupad ng dagdag toll ang Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) simula sa darating na October 17.

Sa abiso ng Toll Regulatory Board (TRB), madadagdagan ng P25 ang babayarang toll sa SCTEX ng Class 1 vehicles, na bumibiyahe sa pagitan ng Mabalacat City hanggang Tarlac.

Habang additional P50 naman sa Class 2 na mga sasakyan, at dagdag na P75 sa Class 3 vehicles.

Samantala magkakaroon rin ng karagdagan P40 , P81 at P121 sa babayarang toll para sa Class 1, 2, at 3 na mga sasakayan na bumibiyahe naman sa pagitan ng Mabalacat City, Tipo at Hermosa, Bataan.

Para naman sa mga motorista na bumibiyahe ng end-to-end pagitan ng Tipo at Hermosa, Bataan madadagdagan ang babayarang toll ng P65 kung Class 1, P131 kung Class 2 at P196 kung Class 3 ang sasakyan.

Ayon sa TRB ang inaprubahang toll hike sa SCTEX ay bahagi ng periodic adjustment para sa taong 2023.

Tags: , ,