Dagdag singil sa SLEX, mag-uumpisa na ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 3, 2023 (Friday) | 2037

METRO MANILA – Epektibo ngayong araw (November 3) ang pagtataas ng singil sa South Luzon Expressway (SLEX).

Magkakaroon ng dagdag singil sa mga motorista na manggagaling ng Alabang patungong Calamba, P10 para sa Class 1 vehicles, P20 sa Class 2, at P30 sa Class 3.

Habang madadagdagan naman ng P4 ang toll para sa Class 1, P6 sa Class 2 at P8 sa Class 3 vehicles na magmumula sa Calamba papuntang Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), uunti-untiin ang pagpapatupad ng toll hike.

Ang unang tranche ay mag-uumpisa ngayong taon habang ang pangalawang tranche naman ay ipapatupad sa susunod na taon.

Tags: ,