Naval exercises ng US, Japan at India sa West Philippine Sea, suportado ng Malacañang

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 1627

EDWIN-LACIERDA
Suportado ng Malacañang ang planong pagsasagawa ng Naval Exercises ng US, Japan at India sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ang naturang pagsasanay aniya ay makakatulong sa pagpapanatili ng freedom of navigation sa naturang karagatan.

Nagpapakita rin aniya ito ng pagkilala ng ibang mga bansa sa kahalagahan ng komersiyo at pananatili ng katiwasayan sa disputed areas.

“This emphasizes the importance of maintaining freedom of navigation in the West Philippine Sea. It is also a recognition by the community of nations of the importance of global commerce and consequent necessity of maintaining stability in the area.” Ani Lacierda.

Ang Naval exercise ay planong isagawa sa hilagang bahagi ng bansa malapit sa pinagaagawang teritoryo ng Pilipinas at China ngayong taon.

Ang paganunsiyo sa naturang pagsasanay ay lumabas matapos balaan ng Amerika ang China sa patuloy na isinasagawang militarisasyon sa inaangkin nitong teritoryo sa West Philippine Sea.

Matatandaang nag-deploy ang China ng surface-to-air missiles at fighter jets sa Paracel Islands, bahagi ng karagatan ng China.

Maliban sa China at Pilipinas, kabilang sa mayroong territorial claims sa West Philippine sea o South China sea ang Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , ,