METRO MANILA – Bibiyahe papuntang Estados Unidos sa susunod na Linggo si Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Ito ay upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, California.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Charles Jose, malaking bagay para sa Pilipinas ang pagdalo sa APEC dahil sa trade partnership.
Pangunahing isusulong ng pangulo sa APEC leaders summit ang ukol sa enerhiya, modernisasyon ng health care system at digitalization.
Pagkatapos nito, ay tutungo ang pangulo sa Los Angeles California at sa Honolulu Hawaii para sa working visit.
Bibisita rin si PBBM sa U.S. Indo-Pacific command sa Hawaii.
Tags: APEC Summit, PBBM, US
METRO MANILA – Inaasahang pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proposed budget na nagkakahalaga ng P5.7-T para sa taong 2024 bago matapos ang buwan ng Disyembre.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, posibleng pirmahan na ito ng pangulo bago ang kanyang pag-alis patungong Tokyo Japan sa Disyembre.
Inaasahan dadalo si Pangulong Marcos sa ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit mula December 16 hanggang 18.
9.5% na mas mataas ang inihain na budget para sa 2024 kaysa sa P5.268-T na budget para sa 2023.
Batay sa temang “Agenda for prosperity: Securing a future-proof and sustainable economy,” ang inihain na pambansang budget para sa susunod na taon ay sinadya batay sa 8-point socioeconomic agenda na tutulong sa pagtupad ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Tags: 2024 National Budget, PBBM
METRO MANILA – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang mga kinauukulang ahensya na patuloy na tutukan ang tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa Yolanda survivors.
Kabilang na rito ang housing units o pabahay sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda.
Nagbigay ng direktiba kahapon ang pangulo sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) na palakasin ang pagkakaloob ng mga yunit ng pabahay.
Sinabi rin ng punong ehekutibo na ang trabaho ay hindi pa tapos, lalo na’t marami pa ring mga biktima ng Yolanda ang naghihintay ng tulong mula sa gobyerno.
Bilang bahagi pa ng paggunita sa 10th anniversary ng Super Typhoon Yolanda, dinaluhan ng pangulo ang ‘2023 Handa Pilipinas Visayas Leg Opening Ceremony.’
Isa itong taunang exposition ng mga inobasyon sa Disaster Risk Reduction and Management.
Tags: NHA, pabahay, PBBM, yolanda victim
METRO MANILA – Walang karapatang makialam ang Estados Unidos sa problema sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ito ang sinabi sa isang pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning matapos na magbigay ng assurance si US President Joe Biden na ipagtatanggol nito ang Pilipinas sa pag-atake ng ibang bansa kasunod ng pagbangga ng mga barko ng China sa supply boat at Philippine Coast Guard (PCG) vessel sa pinakahuling resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Ayon sa Chinese official, hindi kasali ang Estados Unidos sa usapin sa South China Sea at wala itong karapatan na makialam sa problema sa pagitan ng China at Pilipinas.
Sa ilalim ng 1951 mutual defense treaty ng Pilipinas at Amerika, may obligasyon ang Estados Unidos na saklolohan ang Pilipinas sa gitna ng pag-atake ng ibang bansa.
Binigyang-diin naman ni US President Biden na sakop ng kasunduan ang armed attack sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).