PBBM, iginiit na malapit sa aksyon ng giyera kung masasawi ang 1 Pinoy dahil sa WPS tension

by Radyo La Verdad | June 3, 2024 (Monday) | 3539

METRO MANILA – Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior malapit sa aksyon ng giyera at red line nang maituturing kung masasawi ang 1 Pilipino dahil sa anomang insidente o aksyon ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang sagot ni pbbm nang tanungin sa isyu sa ginanap na 21st International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangrila Dialogue sa Singapore nitong Biyernes (May 31).

Naniniwala ang pangulo na susuportahan ng treaty partners ang Pilipinas sa ganitong tumitinding sitwasyon sa WPS.

Iginiit din ng punong ehekutibo na gagawin ng Pilipinas ang lahat upang protektahan ang soberanya ng bansa kasabay ang commitment sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagtugon sa mga isyu sa pamamagitan ng dayalogo at diplomasya.

Tags: , , ,