Nanawagan ang Malacañang sa Commission on Elections na dapat pang palawigin ang Voters Education Program bago ang halalan sa Mayo.
Ito ay matapos na magsagawa ng Mock Elections ang COMELEC sa apat na pung piling lugar sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mahalagang maging maalam aniya sa proseso ang mga botante para mapabilis ang botohan sa darating na halalan.
Dapat din aniyang maiwasto ang ilang technical glitches na nangyari sa naturang mock elections upang matiyak ang tapat, maayos at may integridad na pambansang halalan.
Sa kabila nito, naging kapaki-pakinabang naman aniya ang naturang dry run dahil naranasan ng ilang mga botante ang aktuwal na sitwasyon sa presinto at natutunan ang tamang proseso ng pagboto.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: Commission on Elections, Malakanyang, Mayo, Voters Education Program