COMELEC, handa na sa isasagawang 2022 National and Local Elections – Chairman Pangarungan

by Radyo La Verdad | April 11, 2022 (Monday) | 24688

Isang joint command conference ang isinagawa sa Camp Aguinaldo nitong weekend. Dito tinalakay ng COMELEC, AFP, PNP, Coast Guard, Department of Health at Department of Education ang mga paghahanda sa nalalapit na May 9, 2022 Automated National and Local Elections.

Ayon kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, handa na ang komisyon sa halalan. Ibinalita nito na tapos na ang pag-iimprenta sa mahigit 67.4 million na mga balota at nagpapatuloy na rin ang pagde-deploy sa vote counting machines at ibang election paraphernalia sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Many thanks to our hardworking and competent men and women of the COMELEC, and the help of our partners such as the AFP, the PNP and the PCG. I now declare that the COMELEC is now ready for the May 9, National and Local Elections,” ayon kay Chairman Saidamen Pangarungan, Commission on Elections.

Muli ring sinabi ng COMELEC na pangangalagaan nila ang sagradong boto ng mga Pilipino.

Magiging katuwang ng COMELEC ang AFP, PNP at PCG bilang deputized arms para sa pagsasagawa ng mapaya, patas at tapat na eleksyon.

Samantala, nagsimula na ang overseas absentee voting ng ating mga kababayan sa iba’t ibang mga bansa at matatapos ito sa May 9, 2022.

Dante Amento | UNTV News

Tags: , , ,