Upang masigurong handa sa anumang sakuna ang lahat ng mga government employess, sumailalim sa earthquake drill ang mahigit isang libo at dalawang empleyado ng Iloilo Provincial Capitol kaninang umaga.
Ito’y bahagi ng pagdiriwang ng National Consciousness Month na layuning maihanda ang lahat ng mga mamayan sa mga sakunang paparating.
Pagpatak na alas nuwebe kanina ay sabay-sabay na nagduck, cover and hold ang mga participant at mabilis na lumabas papunta sa evacuation area.
Pitong minuto lamang ay nasa itinalagang evacuation area na ang lahat ng mga empleyado.
Kabilang sa mga scenario ang, kunwari’y nasugatan na limang empleyado dahil sa mga nasirang building.
Gayundin ang scenario ng pagkasira ng mga hagdanan at elevator ng City Hall dahil sa posibleng pagtama ng 6.0 na magnitude ng lindol.
Kaya isa-isang ibinaba ng mga rescuer ang mga biktima mula sa 3rd at 2nd floor sa ground floor gamit ang lubid hanggang sa maisakay sa ambulansya.
Dito nasubok ang kakayanan ng mga rescuers pagdating sa ropelling kapag hindi na magagamit ang mga hagdanan at elevators.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council naging matagumpay ang pagsasagawa ng drill.
Samantala apat naput walong empleyado ng kapitolyo na ang sumailam sa basic life support, first aid, ropelling at jungle survival upang makaresponde agad sakaling may mangyaring sakuna.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)
Tags: Earthquake Drill, Iloilo Provincial Capitol, Mahigit isang libong empleyado