Mga pulis sa Kampo Crame, nagsagawa ng earthquake drill

by Radyo La Verdad | November 5, 2018 (Monday) | 14421

Nagsagawa ng earthquake drill ang mga pulis sa loob ng Kampo Crame.

Matapos ang tunog ng sirena, kanya-kanyang lumabas ng opisina ang mga pulis.

Nagtungo ang mga ito sa mga parking area sa loob ng kampo na syang ligtas na lugar sakaling magkaroon ng totoong lindol sa bansa.

Ang nasabing earthquake drill ay quarterly na ginagawa sa loob ng kampo.

Tags: , ,