2nd quarter nationwide earthquake drill, isasagawa mamayang alas dos ng hapon

by Radyo La Verdad | June 21, 2018 (Thursday) | 5431

Hinihikayat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa sa isasagawang second quarter nationwide earthquake drill mamayang alas dos ng hapon.

Sa pagkakataong ito ang San Mateo, Rizal ang pinaka sentro ng earth quake drill. Dahil dito, ilang kalsada ang hindi maaring madaanan. Apektado nito ang mga motorista papuntang Marikina City at pauwi ng Rodriguez, Rizal.

Ang San Mateo, Rizal ay kasama sa mga dinaraanan ng West Valley Fault na pinangangambahang anomang oras ay maaring gumalaw at magdulot ng malakas na lindol o ang tinatawag na The Big One.

Tags: , ,