Integration ng NLEX at SCTEX, pinasinayaan ni Senator Franklin Drilon

by Radyo La Verdad | March 18, 2016 (Friday) | 7079

SEN-FRANKLIN-DRILON
Pinasinayaan ni Senate President Franklin Drilon ang integration ng NLEX at SCTEX ngayong araw.

Ayon sa senador, iniwan niya ang pangangampanya upang mahighlight ang kahalagahan ng naturang integration project.

Pinaaksyonan ni Drilon ang mabagal na usad ng trapiko sa NLEX at SCTEX tuwing holiday season matapos itong maiipit ng labing isang oras sa naturang expressways noong 2014.

Anya, hindi lang byahe ng mga motorista ang mapapabilis kundi maging ang delivery ng mga produkto.

Umabot naman ng P650 million ang kabuohang gastos ng naturang integration project.

Papalapit na ang long holiday at inaasahan ang pag dagsa ng mga uuwi ng probinsya, dito mapapatunayan kung mas mapapabilis nga ba ng pinagisang NLEX at SCTEX ang byahe ng mga motoristang uuwi ng kanilang probinsya.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,