Budget para sa bibilhing uniporme ng mga Board of Election Inspector, tumaas

by Radyo La Verdad | March 31, 2016 (Thursday) | 1267

BEI
Sa kabila ng mga puna itutuloy ng Commission on Elections ang pagbili ng mga uniporme ng mga guro na aaktong Board of Election Inspectors sa araw ng halalan.

Sa pre bid conference kahapon ipinakita ang sample ng kukuning uniporme o bib vest.

Subalit tumaas ang inilaang budget ng Comelec para sa uniporme.

Mula sa dating 20.8 million nasa 26 million pesos na ang approved budget dito.

Ang dahilan mas dumami ang bilang ng bibilihin uniporme.

Mula sa dating 277 thousand aabot na sa 354 thousand ang kukuning uniporme sa halagang 75 pesos bawat isa.

Subalit wala pang kumpanya na naghayag ng interes sa kontrata.

Sa April 13 itinakda ng Comelec ang deadline sa pagsusumite ng bid proposal.

Nais ng Comelec na magkaroon ng uniporme para sa pagkakakilanlan ang mga election worker

Bukod sa BEI uniform bibili din ng mahigit 6 na libong t-shirt para sa mga tauhan ng comelec sa halagang 1.2 million pesos.

2 kumpanya na ang naghayag ng interes subalit hiling ng mga ito na gawing 30 araw ang 15 day period para sa delivery.

Samantala, 3 kumpanya naman ang naghayag ng interes na sumali sa bidding para sa bibilhin ng Comelec na 100,000 gunting sa halagang 1 milyong piso.

Gagamitin ang gunting na pamputol ng voter’s receipt upang huwag magkaproblema sa paper jam ang mga vote counting machine sa araw ng halalan.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: ,