VP Sara Duterte, nagsalita na sa pahayag ni FL Liza Araneta-Marcos

by Radyo La Verdad | April 23, 2024 (Tuesday) | 497

METRO MANILA – Nagsalita na si Vice President Sara Duterte sa mga naging pahayag ni First Lady Liza Araneta-Marcos ukol sa kaniyang saloobin laban sa ikalawang pangulo.

Sa isang video message, inihayag ni VP Sara ang kalayaan ng unang ginang na ilabas ang kanyang galit at sama ng loob sa kaniya.

Binigyang-diin naman ng bise presidente na iiwan na niya ang nasabing usapin sa pamamagitan ng pakikipag-usap nang personal kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Iginiit din ni VP Sara na mas dapat bigyang pansin ang iba pang mahahalagang problema na kinakaharap ng bansa.

Tags: ,