VP Sara, pinakamataas ang satisfaction at trust rating Vs. Top gov’t officials – Survey

by Radyo La Verdad | April 3, 2024 (Wednesday) | 388

METRO MANILA – Nakuha ni Vice President Sara Duterte ang pinakamataas na satisfaction at trust rating sa isinagawang survey ng Acquisition Apps Incorporated para sa buwan ng Marso ngayong taon.

Batay sa resulta ng survey, nakakuha ng 54% na satisfaction rating si VP Sara na sinundan naman ni President Ferdinand Marcos Jr., House Speaker Martin Romualdez at Senate President Migz Zubiri na kapwa nakakuha ng 41% na score.

Ang naturang rating ng pangalawang pangulo ang naging pinakamataas sa top government officials ng bansa kahit na bumaba ito ng 3% mula sa kanyang dating score na 57% noong February 2024.

Samantala, si VP Sara rin ang nanguna sa trust rating kung saan nakuha nito ang 64% kumpara sa nakuhang scores nina Pangulong Marcos na 54%.

Tags: , ,