PNP, bumuo ng tracker team na maghahanap kay Apollo Quibuloy

by Radyo La Verdad | April 5, 2024 (Friday) | 8625

METRO MANILA – Hindi pa rin natutunton ng Davao Police ang leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Matapos na puntahan ng mga otoridad ang 3 property nito sa Davao kahapon (April 4).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, bumuo na ng tracker team ang PNP upang mapabilis ang paghahanap kay Quiboloy.

Dagdag pa ni PCol. Fajardo obligadong humarap sa otoridad si Quiboloy at hindi pwedeng abogado lamang nito ang magpapakita.

Tags: , ,