Inumpisahan na ng Department of Public Works and Highways at NLEX Corporation ang konstruksyon ng bahagi ng isang elevated expressway na mag-uugnay sa NLEX at Road 10 sa Maynila. Sa pamamagitan nito, mas mapabibilis ang biyahe ng mga sasakyan at kargamento patungong Central at Northern Luzon.
Ayon sa DPWH, malaking tulong din ang proyekto upang maibsan ang problema sa trapiko sa Metro Manila. Sa oras na makumpleto, inaasahang aabutin lamang ng sampung minuto ang biyahe ng mga motorista mula Port Area papasok ng NLEX.
Makakatulong anila ito sa pagpapaunlad ng negosyo at kalakan sa bansa. Target ng DPWH at ng NLEX Corporation na matapos ang konstruksyon ng proyekto sa December 2018.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)
Tags: DPWH, Manila Port, NLEX