MANILA, Philippines – Sinampahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon (Hunyo 11, 2019) sa Department Of Justice (DOJ) ng kasong estafa at falsification of documents si Dr. Bryan Sy, isa sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Center na matatagpuan sa Quezon City.
Inaakusahan si Sy na nangulimbag ng pondo sa Philippine Health Insurance (Philhealth). Ang mga reklamo ay base sa mga alegasyon ng 2 dating empleyado ng WellMed na tumatayo na ngayong whistleblowers. Sila rin ay sinampahan ng mga nasabing reklamo ng NBI.
Isiniwalat ng mga ito ang patakaran sa umano’y ghost claims kung saan tumatanggap ang clinic center ng kabayaran sa PhilHealth para sa dialysis treatments ng mga patay na pasyente.
Kasama rin sa sinampahan ng reklamo ang iba pang WellMed officials gaya nila Dr. John Ray Gonzales, Claro Sy, Alvin Sy, Therese Francesca Tan, Dick Ong, Dr. Porshia Natividad at Joemie Soriano.
Idineklara ni DOJ Senior Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera na valid ang pagkakaresto kay Sy, Roberto At De Leon.
Dahil dito, mananaliti sila sa kustodiya ng NBI habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. Nanindigan ang NBI sa kanilang initial findings na may criminal activity ang naturang clinic center.
“Let’s be fair with the agents kasi mabilisan ito. From the time the president ordered the arrest and the investigation, we had less than 48 hours. We were able to respond positively. On going naman itong investigation. ” Ani NBI Deputy Director For Forensic Investigation and Spokesperson, Atty. Ferdinand Lavin.
Sa kabilang bansa, inihayag ni Atty. Harry Roque, legal counsel ng naturang whistleblowers na dapat maisama sa complaint ang PhilHealth Executives na sangkot sa anomalya.
Umaasa naman si Roque na makapapasok ang kanyang mga kliyente sa Witness Protection Program ng pamahalaan.
“Ang nakapagtataka, ang sinampahan lang ng PhilHealth ‘yung mga taga-WellMed. Hindi kapani-paniwala na wala ‘yung taga-loob sa PhilHealth na dapat sinampahan. ” Ani Legal Counsel Of Whistleblowers Atty. Harry Roque.
(April Cenedoza | UNTV News)
Tags: Department of Health, National Bureau of Investigation, wellmed dialysis center