Ika-apat na kaso ng monkeypox sa bansa, na-discharged na sa ospital

by Radyo La Verdad | September 21, 2022 (Wednesday) | 1166

Na-discharged na ang ika-apat na kaso ng monkeypox sa bansa ayon sa Department of Health. Ito ay yaong 25 years old na walang travel history sa anomang bansa na may kaso ng monkeypox.

Ayon sa DOH, na-discharged ang pasyente sa ospital noong September 15, at kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine habang hinintay na matanggal ang lahat ng mga scabs dulot ng impeksyon.

August 19 nang nag-positibo ito sa monkeypox matapos sumailalim sa RT-PCR test.

Lahat naman ng dalawampung (20) close contact nito ay asymptomatic.

Labing walo (18) ang tapos nang mag-quarantine, isa tapos na sa self-monitoring period, at isa ang sumasailalim pa sa quarantine.

Tags: ,