Nasa 106,000 nurses, kinakailangan sa bansa – DOH

by Radyo La Verdad | September 30, 2022 (Friday) | 3662

Nasa 106,000 na mga nurses ang kinakailangan para sa mga pampubliko at pribadong medical facilities sa Pilipinas ayon sa Department of Health.

Bukod sa mga nurses kulang rin ang bansa ng mga doktor, pharmacist, medical technologist, radiologic technologist, dentist, occupational therapist, physical therapist at midwives.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, isa sa mga dahilan kung bakit may kakulangan sa healthcare workers sa bansa, ay dahil marami sa mga ito ang pinipiling mag-trabaho abroad.

Kaya naman nais aniya ng DOH, na manatili sa 7,500 ang yearly deployment cap sa mga nagtatrabaho sa sektor ng kalusugan. Panawagan ni Vergeire sa mga healthcare workers sa bansa, may mga plantilla positions na maari silang pasukan. Kinakailangan lamang aniya na makipag-ugnayan sa Human Resources Bureau upang maproseso ang kanilang aplikasyon.

Tags: ,