Nagulat si Mang Roger ng Barangay San Martin De Porres sa Cubao Quezon City nang matanggap ang bill sa tubig noong Enero na nagkakahalaga ng tatlumpong libong piso.
Dati pinakamataas na binabayaran ni Mang Roger na kunsumo nila sa tubig ay apat na libong piso.
Inspeksyon ang kanilang metro ng tubig, ngunit wala namang nakitang diprensiya.
Inilapit ng UNTV News ang problema ni Mang Roger sa head office ng Manila Water.
Lumabas sa kanilang pagiimbestiga na nagkapalit ng reading o sa ibang metro pala napunta ang reading kay Mang Roger.
At nang suriin ng Manila Water sa history ng billing ni Mang Roger, natuklasan na sobra pa pala ng mahigit sa 3 libong piso ang mga ibinayad nito sa mga naunang billing.
Ayon sa Manila Water, karamihan sa mga kaso ng sobrang pagtaas ng bill ay ang mga may tagas o luma ng tubo.
Maaari ding sanhi ng biglaang pagtaas ng water bill ang mga illegal connection.
Ang mahinang tulo o tagas sa tubo o gripo ay maaring magresulta sa dagdag na buwanang bill ng 20 to 50 pesos kada buwan.
Payo ng manila water sa kanilang mga customer i-report sa kanilang hotline na 1627 kung may problema sa kanilang water bill.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent)
Tags: 000, Manila Water, umabot sa P30, Water bill