Maynilad at Manila Water, magtataas ng singil sa tubig sa susunod na 5 taon

by Radyo La Verdad | November 18, 2022 (Friday) | 1257

METRO MANILA – Unti-unting itataas ng Maynilad at ng Manila Water ang kanilang singil sa loob ng 5 taon.

Aabot sa P13.31 per cubic meter ang dagdag para sa customer ng Maynilad at P19.25 naman sa mga customer ng Manila Water.

Sa 2023 ay magpapatong ng P3.29 per cubic meter ang Maynilad habang ang Manila Water naman ay P8.04.

Sa Maynilad customer, na kumukunsumo ng 10 per cubic meter ay may dagdag singil na P5.2 sa kanilang buwanang bill; P20.29 sa kumukunsumo ng 20 cubic meters at P41.71na dagdag sa mga kumukunsumo naman ng 30 cubic meter.

Sa mga customer naman ng Manila Water, sa lifeline consumers na kumukunsumo ng 10 cubic meters ay may bawas pa ng halos P1; sa mga regular na customer na kumukunsumo ng parehong dami ng tubig ay nasa P41.19 ang dagdag; P91.53 sa 20 cubic meters at P187.01 na dagdag sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters.

Ayon sa MWSS, kailangang payagan nila ang dagdag singil para sa mga itatayong pasilidad na magpapabuti sa serbisyo ng tubig.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,