Walang mapapala, ito ang reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang tanungin hinggil sa pinirmahang bank waiver ni Senador Antonio Trillanes upang bigyang-kapangyarihan ang Anti-money Laundering Council at Office of the Ombudsman na siyasatin ang kaniyang bank accounts.
Inihayag din ng Pangulo na inihahanda na nila ang kasong maaaring isampa laban sa mambabatas. Bagaman aminado itong hindi madaling ihayag ang bank records ng mambabatas dahil sa Bank Secrecy Law. Tahasan ding sinabi ng punong ehekutibo na may mga deposito sa bangko sa Estados Unidos si Trillanes.
Hinggil naman sa hamon ng senador sa kaniya na pumirma rin siya ng bank waiver para masiyasat ang kaniyang bank accounts, sinabi ng Pangulong matagal na siyang pumirma ng special power of attorney para alamin kung may 211 milyong pisong transaksyon ito sa kaniyang account.
Subalit para idetalye ang mga transaksyon sa kaniyang bank account, sinabi ng Pangulo kay Senator Trillanes na siya mismo ang maghanap ng ebidensya.
Samantala, kinuwestyon din ni Pangulong Duterte ang Ombudsman kung bakit di nito kinakasuhan si Trillanes dahil sa kwestyonable nitong mga transaksyon sa kaniyang Disbursement Acceleration Program o DAP.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: bank accounts, duterte, Trillanes