METRO MANILA – Umapela si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa business sector na i-hire ang mga nagtapos sa K-12 program.
Ayon kay VP Sara gumagawa na ng paraan ang kagawaran, upang maging handa sa trabaho at skill-ready ang K-12 students kapag sila ay nagtapos.
Dagdag pa nito ang mandatory education ay basic education lang naman, at ito ay ang mula sa Kinder hanggang Grade 12.
Sinabi ng bise presidente ang pahayag sa kanyang talumpati sa 48th Philippine Business Conference and Expo sa manila kahapon (October 19).
Umaasa si VP Sara na makakakuha siya ng suporta sa business sector upang matulungan ang K-12 graduates na makakuha ng trabaho.
Tags: K-12 Graduates, VP SARA DUTERTE