METRO MANILA – Nananatiling front runner sa 2028 Presidential Preference survey sina Vice President Sara Duterte at Senator Raffy Tulfo.
Sa online survey ng Tangere app na isinagawa nitong May 23 hanggang 26, statistically tied sina VP Sara at Senador Tulfo na nakakuha ng 27.67% at 27.07% ng mga sumagot sa survey.
Humakot ng suporta mula sa Visayas at Mindanao si VP Sara para sa naturang survey habang pabor kay Tulfo ang malaking bilang ng mga botante mula sa Southern Luzon at Bicol region.
Pumangatlo naman sa presidential preference survey si Former Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 14.33%, karamihan ng pumili sa kanya ay mula naman sa Bicol at upper income class.
Sa 2028 vice presidential survey, top choice din si Senator Tulfo na sinundan ni Senator Grace Poe at Former President Rodrigo Duterte.
Tags: 2028 Election, presidential survey