Senator Grace Poe nanguna sa Presidential Survey

by Radyo La Verdad | February 7, 2016 (Sunday) | 1942

POE
Nanguna si Senator Grace Poe sa Presidential Survey ng Pulse Asia.

Sa poll survey na isinagawa nitong Enero 24 hanggang 28 sa 1,800 na respondents, nakakuha si Poe ng 33% habang statistically tied naman sina Vice President Jejomar Binay, Liberal Party Standard bearer Mar Roxas na mayroong 23% habang nakakuha naman ng 20% si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa Vice Presidential race, nasa unang puwesto si Sen. Francis “Chiz” Escudero na mayroong 33% at na sinundan ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa 23%.

Nasa ikatlong puwesto si Camarines Sur Rep. Maria Leonor “Leni” Robredo na mayroong 18% at si Senator Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 14%.
Si Sen. Gregorio Honasan ay mayroong 5 % habang 4 % kay Sen. Antonio Trillanes IV.

(UNTV Radio)

Tags: ,