Posibleng talakayin na sa mismong araw ng State of the Nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang extension ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Senate Minority Leader Senator Franklin Drilon, ito ay kung hihilingin ng pangulo sa kongreso na palawigin ang batas militar bago matapos ang 60-day period nito sa July 22.
Naniniwala naman si Senator Win Gatchalian na dapat obligahin ang defense officials na magbigay muli ng briefing sa mga mambabatas tungkol sa kalagayan sa Mindanao.
Sa ngayon ay inaabangan na lamang ng mga senador ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte kung ie-extend pa ang ipinatutupad na martial law sa Mindanao.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)