US, nangakong makikipagtulungan sa ASEAN sa kabila ng trade tension sa Tsina

by Radyo La Verdad | November 15, 2018 (Thursday) | 13651

Economic cooperation ang naging sentro ng katatapos na ASEAN US Summit sa Singapore. Nagbigay ng pangako ang United States na makikipagtulungan sila sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng rehiyon.

Sa naturang summit, nangako ang US na mas pagtitibayin pa ang bilateral relations sa mga bansang kasapi sa ASEAN partikular sa larangan ng security, economic enhancement, trade at cyber security.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, may ilang isyu lamang na naungkat patungkol sa kalakalan gaya ng diskiriminasyon sa ilang raw material gaya ng palm oil na isa sa pangunahing ini-export ng mga bansa sa ASEAN.

Napag-usapan din ang tungkol sa mga sanctions na ipinapataw ng US na hindi ibig sabihin ay kailangan nang sundan ng mga bansa sa ASEAN.

Samantala, sa kaniyang opening remarks, sinabi ni US Vice President Mike Pence na walang puwang sa Indo-Pacific Region ang hangarin ng Tsina na makapamayani sa ibang mga bansa.

 

( Maila Guevarra / UNTV Singapore )

 

Tags: , ,