US, nagbabala sa mga mamamayan nito sa Europe sa posibleng terrorist attacks ngayong summer

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 2807
US State Department Spokesman John Kirby(REUTERS)
US State Department Spokesman John Kirby(REUTERS)

Nagbabala ang Amerika sa mga mamamayan nito na nasa Europa sa bantang pag-atake ng mga terorista.

Ayon kay US State Department Spokesman John Kirby, bagamat wala silang natatanggap na derektang pagbabanta kailangang bigyan ng warning ang kanilang mga mamayan dahil sa mga idaraos na malalaking events tulad ng Tour de France, European Football Championship at World Youth Day.

Nilinaw ni Kirby na babala lamang ito at hindi nila pinagbabawalan ang kanilang mamamayan na bumiyahe sa Europe.

Nanatiling nakataas ang alerto sa buong Europa dahil sa madugong November 13 Paris attack na ikinasawi ng isang daan at talumpung tao at ang March 22 Brussels attack na ikinasawi ng mahigit tatlumpu.

Tags: , , ,