US, binawi na ang arms embargo sa Vietnam

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 1658
U.S. President Barack Obama(REUTERS)
U.S. President Barack Obama(REUTERS)

Ipinahayag ni U.S. President Barack Obama ang pagbawi ng arms embargo sa Vietnam na magbibigay daan sa pagbenta ng Amerika ng armas sa Hanoi.

Ito ay kasabay ng pagdalaw ni Obama sa Vietnam.

Ayon kay Obama, matatag na ang tiwala ng dating magkalabang mga bansa kabilang ang armed forces ng U.S. at Vietnam kaya tinanggal ang arms embargo.

Isa itong simbolo sa pagbabago sa relasyon ng dalawang magkalabang bansa.

Tags: , ,