Umano’y pekeng bihon na nabibili sa isang pamilihan sa Davao City, iniimbestigahan na ng FDA at DOH

by Radyo La Verdad | July 9, 2015 (Thursday) | 4123

BIHON
Hindi pa man nareresolba ang isyu sa synthetic rice ay lumutang naman ngayon ang umano’y pekeng bihon na naibenta sa isang Kapitan ng Barangay sa Davao City.

Iniabot ni Calinan Baranggay Captain Garry Gencianos ang hinihinalang synthetic bihon na nabili ng kanyang mga tauhan sa Calinan Public Market.

Ang bihon na nakabalot sa plastic na walang label.

Hindi umano napapanis ang bihon kahit na isang linggo na ang lumipas.

Hindi pa naman kinukumpirma ng Davao City Health Office kung peke o hindi ang bihon dahil sa kasalukuyan pa itong sinusuri ng Food and Drug Administration at Department of Health.

Inaalam na rin ang tindahan na nagbenta ng umanoy pekeng bihon.

Tags: , ,