Umano’y pagbili at pagkakabit ng mga pekeng piyesa sa tren ng MRT-3, itinanggi ng BURI

by Radyo La Verdad | October 5, 2017 (Thursday) | 1938

Isinauli na sa supplier ang dalawang Vehicle Logic Unit o VLU na binili ng Busan Universal Rails Incorporated o BURI para sa tren ng MRT, ito ay dahil walang ibinigay na resibo at iba pang dokumento ang kumpanya. Ang VLU ang nagcocontrol sa bilis ng takbo ng tren.

Ngunit iginiit ng MRT 3 maintenance provider sa isinagawang imbestigasyon kahapon ng  House Committee on Good Governance and Public Accountability sa isyu na hindi peke ang mga biniling spare parts gaya ng inaakusa ng Department of Transportation.

Subalit nanindigan ang DOTr sa kanilang alegasyon at sinabing naideliver at naikabit na ang mga kwestyunableng VLUS.

Depensa naman ng BURI, mga dati pang VLUS ang tinutukoy ng DOTr at hindi ang mga bagong piyesa na kinukwestyon ngayon.

Nagsimula ang usapin, sa ginawang pagbili ng BURI ng mga piyesa sa hindi otorisadong supplier, sa halip na sa kumpanyang Bombadier na siyang orihinal na ka-kontrata ng MRT.

Nanindigan ang DOTr na hindi nila babayaran ang naturang piyesa, dahil labag umano sa kontra ang ginawang transakyon ng BURI.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,