Isang set ng Dalian train, patatakbuhin na sa linya ng MRT-3

by Radyo La Verdad | October 15, 2019 (Tuesday) | 10749

METRO MANILA, Philippines – Bibiyahe na sa kauna-unahang pagkakataon ang unang Dalian train set sa linya ng MRT-3 ayon sa Department of Transportation.

Patatakbuhin ito sa normal na operasyon simula mamayang alas otso y medya hanggang alas diyes y medya ng gabi.

Ito’y matapos na payagan ng Sumitomo Corporation Mitsubishi Heavy Industries – TES Philippines ang deployment ng Dalian train. Subalit limitado pa lamang ang biyahe nito na tatagal hanggang sa nobyembre bilang bahagi ng initial trial run nito.

Ang isang Dalian train set ay binubuo ng tatlong bagon na kayang magsakay ng higit isang libong mga pasahero kada biyahe.

(Joan Nano)

Tags: , ,