Manila, Philippines – Kinumpirma ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nabulunan ang Transparency Server ng Commission on Election (COMELEC) kaya’t nagkaroon ng 7 oras na pagkakaantala sa paglabas ng resulta ng halalan gabi ng May 13 hanggang madaling araw ng May 14.
Batay anila sa initial findings ng kanilang it experts, pumalya ang file transfer manager o ang aplikasyon na nagpapadala ng datos sa mga tally boards gabi matapos ang unang bato o transmission ng resulta papunta sa ppcrv at media servers.
“We are not speculating today we can tell you….what we can tell you data was transmitting, 2. data was complete and we did observe that there was bottleneck….nabubulunan, we are not in the position why the bottleneck happened” ani PPCRV Chairperson, Myla Villanueva.
Pero ayon sa ppcrv pumapasok ang datos mula 6:15 ng gabi ng May 13 hanggang 1:19 am ng May 14 pero comelec na daw ang dapat magpaliwanag ng tunay na dahilan sa likod ng nasabing pagkaka-antala.
“Yes we saw signs in the logs that is in fact was happening but what we are not saying was what it caused it. The comelec will have to tell the public what caused it” ani PPCRV Chairperson, Myla Villanueva.
Matatandaang noong Biyernes, binigyan ng poll body ng access ang ppcrv sa logs ng kanilang transparency server para imbestigahan ang naturang isyu.
Pero kung tatanungin umano sila kung may election fraud matapos ang insidente ayon sa ppcrv, wala sila sa posisyon para sagutin ito at sa halip ay comelec na ang dapat magpaliwanag dahil sila ang namamahala sa naturang application.
Ikina-alarma ng election observers ang hindi paggalaw ng tally boards matapos maglabas ng unang partial unofficial count ang 0.38 percent ng clustered precincts.
Una nang ipinaliwanag ng comelec na ang application na nagtutulak ng datos mula sa transparency server papunta sa ppcrv terminals at media networks ay nakaranas ng error.
Muli namang hinikayat ng ppcrv na ibigay din sa kanila ang access sa transmission router logs at kopya ng data mula sa comelec central server.
Samantala, nanawagan din ito sa media at iba pang election watchdogs na icounter check ang datos mula sa poll body.
(Mai Bermudez | Untv News)
Tags: 2019 midterm elections, Commission on Elections, National Board of Canvassers, Parish Pastoral Council for Responsible Voting