Suspension ng klase dahil sa init ng panahon, nakadepende sa LGU at mismong paaralan

by Radyo La Verdad | April 2, 2024 (Tuesday) | 4203

METRO MANILA -Sa pagtindi ng init na nararamdaman ngayon, may ilang lugar na sa bansa ang nagsuspinde ng face-to-face classes sa mga paaralan.

Kaugnay nito nilinaw naman ng PAGASA na hindi sila nagbibigay ng eksaktong temperatura kung kailan maaaring magsuspinde ng klase sa isang lugar.

Ayon kay John Manalo Weather Specialist 1 ng DOST PAGASA, nasa lokal na pamahalaan o mismong paaralan ang desisyon ng pag-dedeklara ng suspensyon ng klase dahil sa matinding init na nararanasan.

Ganito rin ang pahayag ni Task Force El niño Spokesperson, Assistant Secretary Joey Villarama.

Nilinaw niya na desisyon na ng mga namumuno sa lugar ang ganitong suspension dahil mas alam nila ang actual na sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

Dahil inaasahang hanggang buwan ng Mayo pa ang naranasang mainit na temperatura patuloy na pinag-iingat ang mga tao sa mga sakit kaugnay ng ganitong panahon.

Mahalaga ang kamalayan at mga alternatibong paraan para maibsan ang init na nararamdaman gaya ng pag-inom o pagsusuot ng proteksyon laban sa init.

Tags: , ,