41 lugar sa bansa, makakaranas ng danger level ng heat index ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 14, 2024 (Tuesday) | 574

METRO MANILA – Posibleng makaranas ng danger level ng heat index ngayong araw ang 41 mga lugar sa bansa.

Batay sa forecast ng PAGASA, makararanas ng 47 degrees celsius na heat index ngayong araw ang Dagupan City sa Pangasinan.

46 degrees celsius sa Virac Catanduanes at Pili, Camarines Sur. 45 degrees celsius sa Roxas City, Masbate; Catarman, Northern Samar, Guiuan, Eastern Samar, Butuan City at Agusan Del Norte.

Habang 44 degrees celsius na heat index naman ang posibleng maramdaman sa Laoag City, Ilocos Norte, Bacnotan la union, San Jose, Occidental Mindoro, Puerto Princesa City, Palawan, Cuyo, Palawan, Legazpi City Albay, Masbate City at Iloilo City.

Samantala, 43 degrees celsius ang heat index sa NAIA Pasay City, Aparri Cagayan, Echague Isabela, Baler Aurora, Casiguran aurora, aborlan palawan, dumanga iloilo, Dipolog Zamboanga Del Norte at Zamboanga City.

42 degrees celsius naman sa science Garden Quezon City, Tuguegarao City Cagayan, Iba Zambales, Clark Airport Pampanga, CLSU Munoz Nueva Ecija, Subic Bay Olongapo City, Sangley Point Cavite, Ambulong Tanauan Batangas, Daet Camarines Norte, La Carlota Negros Occidental, Catbalogan Samar, Tacloban City Leyte, Guiuan Eastern Samar, Davao City Davao Del Sur, Cotabato City Maguindanao at Surigao Del Norte.

Ang lahat ay pinapayuhan na gawin ang ibayong pag-iingat upang makaiwas sa mga sakit na maaaring dulot ng matinding init ng panahon.

Tags: