Sistema ng hustisya, trabaho at “ENDO” scheme, dapat umanong sunod na tutukan ni Pres. Duterte ayon sa ilang senador

by Radyo La Verdad | July 26, 2017 (Wednesday) | 1932


Hindi kuntento ang ilang senador sa kanilang nadinig na reporma at mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat na mapagtuunan ng pansin ng pangulo ang usapin sa trabaho at kontraktwalisasyon sa bansa.

Maging ang mga reporma para sa pagkakamit ng hustisya ay dapat rin umanong bigyan ng pansin ni Pangulong Duterte.

Dismayado rin si Senator Bam Aquino dahil hindi nabanggit sa SONA ang kaniyang isinusulong na panukala na libreng pagaaral sa kolehiyo kung saan pirma ng lang ng pangulo ang kulang upang maging ganap na batas.

Ayon naman kay Senator Panfilo Lacson, may direksyon naman ang mga polisiya ni Pangulong Duterte.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,