METRO MANILA – Malayo man o malapit, hindi nagpapigil ang Serbisyong Bayanihan (SB) sa layunin nitong makatulong sa kapwa, lalo na sa pagdiriwang ng ika-6 na anibersayo nito simula Lunes hanggang Biyernes, July 18-22.
Isa ang Brgy. San Juan, Taytay, Rizal sa mga lugar na dinalaw ng SB sa unang araw nito noong Lunes (July 18) katuwang ang Members Church of God International (MCGI) at ilang kawani ng pamahalaan upang maghatid ng iba’t ibang serbisyo gaya ng free store, feeding program, libreng gupit, checkup, bunot ng ngipin, legal consultation at marami pang iba.
Nagpasalamat naman ang kapitana ng Brgy. San Juan na si Roseller Valera sa mga serbisyong ibinigay ng SB na nagdulot ng kasiyahan at malaking tuwa sa kababayan at katutubo sa lugar.
Samantala, magkakahawig na serbisyo naman ang ipinagkaloob ng SB sa parehong araw sa iba’t ibang lugar ng bansa tulad sa Brgy. Palnab, Virac, Catanduanes, Brgy. Samburon, Lanao Del Norte, Batad, Iloilo, Brgy. Payatas, Quezon City at Sapang Kawayan, Masantol, Pampanga kung saan aabot sa 8,337 ang kabuuang natulungan sa unang araw.
(Marc Aubrey | La Verdad Correspondent)
Tags: Serbisyong Bayanihan