Libreng Adult at Pedia Check-up, ipinagkaloob sa mga residente ng Brgy. Samala Kawit, Cavite sa ika-6 na anibersaryo ng Serbisyong Bayanihan

by Radyo La Verdad | July 20, 2022 (Wednesday) | 5936

KAWIT, CAVITE – Matagumpay na naisakatuparan ng Serbisyong Bayanihan sa Cavite ang pagbibigay ng serbisyo publiko katuwang ang Members Church of God International (MCGI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinagkaloob ng programa ang libreng adult at pedia check-up, mayroon ding dental at optical check-up, haircut, reflex massage, legal services at chiropractic sessions.

Nagsagawa din ng registration para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang DSWD habang libreng pagpapakain at libreng groceries naman ang hatid ng MCGI para sa ating mga kababayan sa Cavite.

Sa kabuuan, umabot sa 5,500 ang napaglingkuran ng programa sa awa at tulong Dios.

(Eliza Fernandez | La Verdad Correspondent)

Tags: ,